*This site will continue to evolve in style and content, of course, so if you hate the way it looks, check back in a few months and see if it's any better, heh heh.
|| Computer || Sense ov Humour || Personality || Ability 2 giv Commentz || Stealerz || Patience ||
This BLOG Is Brought To Yew By..
Friday, October 27, 2006
MaLapit Na!
4 days before my last day of work here.. and 6 days before my b-day!
Nalulungkot ako. Bakit nga ba ako nalulungkot??
Ahh.. kze nga naman 4 na araw na lang, at matatagalan bago ko mapadpad ulit sa lugar na ito. At hindi ko na mauupuan ang silyang ito at mapipindot ang keyboard na ito. Hindi ko na mbabagsak ang Webcam na nasa harapan ko (hehe unintentional un) at masasagot ang dalawang makukulit na phone na ito!
pero talga pramis.. sa oras na ito.. kung tatanungin ako bat ako nalulungkot??
kze naiinis ako.. ay teka nalulungkot nga pala ako.
kze...
QUESTION: Kung may isang tao kang ayaw mong imbitahin sa bday mo pero alam mo naman sa sarili mo na gusto mo andun sya.. dahil sya talga kukumpleto ng bday mo.. anong gagawin mo????
(eh kze naman 6 days ago..sinabhan ko sya ng "Ayaw na kita makita.I hate You Galit ako sau!" .. eh badtrip naman talga sya eh!)
-ayaw ko ng sagot na "E di imbitahan mo!" dahil sa totoo lng marami na sumagot saken nyan.. pero ayaw ko ng sya imbitahan eh!!! GETS???
"I hate you. Galit ako sayo. Ayaw na kita makita for the rest of my life. I hate U'
That`z how iv been last night.. Sobrang masama ang loob. Yan ang tnxt ko sa kanya. Good thing, my friends @ travel dept. invited me to go out and have sum drinks. Grabe ang lasing ni playmate.. Sobrang daldal at wala na ata sa katinuan at nasabi lng nman nya ang about samin ni engs sa 2 namin kasama (arlo and khey), sumunod na lng na dumating si albert (ni playmate). May tama na rin ako dahil hilo na talga ako pramis sa dami ng iniinom namin.. 11 ng magkayayaan na dahil lasing na talga kami.. Hinatid ni albert ung dalawa.. hinatid nmn ako ni arlo.. maya maya sabi ko sa loob ng van.. "arlo.. pede naman umiyak diba?" ... there i've cried. So bumaba kami ulit sa isang cafe/bar at uminom ng tag isa pa.. nilabas ko lhat ng sama n loob ko. I've Cried as if I cryd ovr him for the last time last night. "You deserv sumwan better kris! putang ina wag mong iyakan ung tarantadong un" - waz arlo`z reaction
Pag ka gising ko kanina.. nahihilo parin ako pero kinaya kong pumasok ng maaga. Nagdasal ako, nag shower at naglakad papuntang work at nilanghap ang masarap na hangin.. - malapit na pala an pasko..
//..
,, this was the song iv sing last night..
at para kay engs:
I can't see you anymore. You're not good for me. ... How much more pain do you need to cause me before you think I've had enough. ...
Sabi ko sayo noon.. bawal ang pure gemini at scorpio. Sabi ko sayo noon, may iba akong gusto. Kaya nga ginawa ko lahat para ayawan mo ko. Napaka mean ko sayo noon. Pag gusto ko gusto ko. ikaw naman sunod ng sunod. Inis ako sayo noon! dahil pag sinabi kong after 5 mins nasa likod na kita..3 mins palang andyan ka na. Pag sinabi kong gusto ko neto kahit napaka imposible, magagalit ka at maiinis pero ginagawa mo parin. Muntik ka na mahulian ng lisensya nun di ba? Sabi ko sayo noon wag mo na ko susundan!!! pero sumunod ka parin! iyak pa ko ng iyak noon sa harapan mo dahil sa taong gusto ko.. pero tahimik ka lng na nakinig. Nung mga panahong kailangan ko ng matinding dasal sa harap ng simbahan andun karin.. kahit napakatigas na ng ulo ko andun ka pa rin! galit na ko sayo noon kze ang engot engot mo lagi kang andyan kahit napapahiya na kita.. kahit ang tawag ko sayo ENGS (as in engot) ayos lang
Isang araw.. pumasok ako sa blessed sacrament at nagtanggal ng sapatos. Hindi ka pumasok at dinala mo ung sapatos ko, tinignan kita ang sabi mo "ayw ko kze magalit ka pag natapakan ng iba.." naisip ko nun.. pde na ba kita gustuhin?...
Alam mo ba ung unang arw na nalaman ko sa sarili kong namimiss na kita?? yun ung umuwi ka sa probinsya nyo.. at nakipagdate ako sa iba. Only to find out.. habang kumakain ako ng cake.. ikaw ang naisip ko.. sabi ko "mas masarp siguro kumain ng cake kapag ikaw kasama ko.."
Alam mo ba ung unang araw na nalaman kong gusto na kita? un ung araw na .. sinundo mo ko ng umagang umaga at pinakain ng almusal.
At alam mo ba ung araw na alam kong mahal na mahal na kita?? ... un ung araw na wala ka na. =( ..
dahil sa ulan.. dahil sa kanya. nagkapasa ako sa legs.. ewan nadulas ang kamay ko sa pag kakahawak sa loob ng tryke kagabi at ayun.. tinamaan ako sa legs. *bwiset* at dahil dun... ayaw ko sya makita ngayon. lahat ng pag iiwas gingawa ko. hindi ako iinom ng kape dahil kailangan ko pumunta sa restau at humiram ng kutsarita lintikis! - i won't do that! arrr.
/me hikab
kanina 9am tnxt ako ni yhang para mamasyal sa mall. Natatamad ako sa totoo lng inaantok pa! pabalik balik ako sa kama ..habang txt ng txt si yhang ng: "ano ate kris? nakaligo ka na ba?" .. sagot ko "mahina ang tubig" pero ang totoo nakahiga parin ako ehhehhe.. maya maya napaisip ako.. nakakahiya naman kay yhang kze ilang beses na kami di natutuloy dahil sa kaantukan ko pashneya. So nagkita kami ng Alas dose ng tanghali. Nanood kami ng sine! ang gusto ko ung movie na "the breed" gusto ko un!!! at mga 1:15 nanood kami ng Till I MET U.. hehe syempre di nasunod ung gusto ko kze sya ang nanlibre har har.
Tapos kumain kami sa tropical hut! at bumili kami ng sliced cakes! tapos nung kinukuha ko na sa kanya.. ayaw nya ibigay ung maraming icing! eh ako naman pumili nun eh!! waaaaaaaaahhH! ang sagot nya "baket libre ko naman mga to ah?" heheh onga naman.. so ayos lang sakin un haha.
linsyak na yan minsn lng sya manlibre puro sya pa nasusunod haha. eniwei masaya naman kami! chikahan ever syempre yah knoe gurls? *LoL*
*hikab*
well.. continuation about my entri last nyt.
ahm.. later nalang nagugutom ata ako.. parang tintawag ako nung cake na...
kagabi.. nag meeting kami ng aking 2 chorvang boss sa restau. Mahaba habang inuman ng kape ang nangyari. Medyo nakakailang lang dahil nakikita ako nung engot pero oks lng din. Ang hirap talga magpaalam noh? sa totoo lng.. nalungkot akong iwanan sila. Sa mahigit 2 oras ata na meeting namin nilabas ko lahat ng disappointments ko sa kanila. Frustrations at kung paano ako na uupset sa nangyayari sa bcenter. Wa ko na ker kung magalit sila basta naging honest ako kagabi na kausap sila. Lahat ng kinaiinisan ko at lahat ng gusto ko sabihin sinabi ko na. Ginawa ko lng un or sinabi ko lang un para malaman nila ano dapat nila gawin.. at maging aware sila sa ginagawa nila. Hindi namn sila nagalit. Natuwa pa nga sila at sinabi ko lahat un ng may lakas ng loob para harapin sila at magpakatotoo. (salamat sa dyos) hehe.
It`z been 6 years in showbizness.. hehe. este sa bcenter. disiotso palang ako nung nag umpisa ako dito. Pinasok ako ng aking prof sa psychology dahil frendster nya ang may ari na kano. (RIP GDB). Dahil kyut namn ako natanggap naman ako! hehe charoz. Marami na akong pinag daanan na pasakit at dusa dito.. nandun ung nakasalamuha ko ang ibat ibang lahi ng mundo. Aussie,Nzlander,kano, etc.. at mga hapon at koreano na nagpapasakit at nagdudulot ng pagdugo ng aking ilong sa pag intindi at pakikipag usap sa kanila! pramis! Andun narin ung, nakuha ko makipag away sa aking visor.. hehe.. nakipag laban para sa aking mga true friends.. maraming mga kaibigan ang nakasama at naunang lisanin ang company na ito (nasa loob po pala kami ng hotel) mula sa housekeeping gang sa iba pang sulok na departamento ng hotel na ito eh nakasalamuha ko sila.. (iba ang sikat eh? hehe ang makulit pala) kung baga nung HS student ako, kapg vacant mo eh pasyal pasyal ka sa ibat ibang section. geesh nakakamis! Hanggang last year lalong napansin ang aking kyutness eh... na promote ang inyong lingkod! naging supervisor ang inyong lola hahaha. subalit, datapwat.. maraming pagsubok itong taon na ito.. natigok si bossing at ininvade kami ng new management ng hotel.. at naging desk clerk pa ako letchugas .. pero dahil bait si God saken.. sinabi ng isa sa mga accountant na dapt sa Bcenter lng si kris dahil sya ang nakakaalam ng mga ka ek ekan ng bc. At ang huling panghimagas... may bagong bumili ng dept. na ito.. at un ang 2 charoz na magdyowa.. ung isa pinoy at ung isa eh kano. Sa umpisa ayos na ayos ang pakikisama.. parang wow san ka pa? pero dumating ako sa point na .. malapit na ang bday ko!!! (hahaha anong konek?) inisip ko na ung future ko.. ewan ko b.. kze parang nakikita ko na sila mismo nagbibigay ng dahilan para maisip ko ang kahihitnatnan neto. At tamang tama naman nung mga panahon na naiinis ako at napapaisip about sa Seiko film.. dumating ang isang offer from star cinema hehehe.. na medyo nahirapan din ako tanggihan...kze everyone at that company` (actually sister company lang ito hakhak >_<) tellin` me to grab it..even tha manager at may approval pa ng bossing. un nga i'll start as a trainee parin empwe.. at nakakatakot or lets say nakakakaba.. nakakapressure pala the ryt term.. kze parang ,makakaya ko kaya?? kze parang they`r expectin sumtin from me eh pano kung di ko mapasa?? (errr ayan ka na naman ms. what if!!!) .. basta ang hirap.. actually sa sister comp na yun eh.. dun ako sa travel dept mapupunta..kaya siguro after 1 or 2 mos.. eh medyo mapupunta rin ako sa branch na ito.. marosep! kami kami parin magkikita sa finals.
*/me hikab*
so the decision`z final. Yan ang ending ng meeting kagabi. My last day would be Nov. 1. mahaba haba pang pagkakape ito.
Kung pde lang sabihin ung linya ni DAO MING SI! "Hinihingi ko ba opinyon mo??"
Kahapon pa kayo! nililito nyo lng ako! Noon pa man gusto ko na mag resign!!!! pero tiniis ko lng, noon pa man gusto ko na magresign pero nakita ko na hindi pa pwede.. naisip ko may mga signs na wag muna! Naalala ko noon nung gustong gusto ko na talga mag resign last last last month! mula ng ininvade ito ng mga Hagornia! may inoffer na sakin.. may dumating na kung pagpipilitan ko lng at gugustuhin ko lang malamang nakuha ko. Pero di ko ginawa! tiniis ko. At ngayon.. ngayon na meron na ulit at hindi na ko nagiging masaya dito, bigla kayong magsusulputan!
LINSYAK!!!! ayaw ko sa lahat ung di ko gusto!
Yung tipong bukas kakausapin mo ko na GO GO GO GO! w/ matching cheering squads pa tapos bigla bukas papasalubungin mo ko ng masigabong palakpakan sabay sabi na.. "cgurado ka na ba? what if ganun what if ganyan! eh kung bumagsak ka blah blah blah"
VA-AD-AD-TRIP!!!! WAG GANUN!!!
andami nilang sinasbi na sobrang nakakababa ng loob. Para bang "Hanggang dyan ka na lang" nakakainis na talga. salamat sa advices pero sana naman ayusin nyo naman kung ano ba talga sasabihin nyo. nakakasama kayo ng loob sobraaa lintek!
AT IKAWWWWWWWWWWWWW!!!! sino ka para magbigay ng opinyon!!!! baket?!!! nasan ka ba nung kailangan ko opinyon mo! na halos umiiyak ako kakatxt sayo!!!! pero ni ha ni ho wala paksyet ka! ni ayaw kita makita ngayong oras na ito!! Baket!! ano bang alam mo!!!! sa nangyayari sakin ngayon? at mula nung nag iba ng management dito natatandaan mo ba un din ung mga panahon na umiwas ka?! hindi mo alam kung ano hirap na dinanas ko dito.. wala kang alam kung paano ako nahihirapan mag decide ngayon, dahil iniisip ko rin ang family ko. Wala ka sa oras na kailangan ko ng lintikis na savior na magpapatawa saken at magpapalakas ng loob. Magsama kayong lahat!!!
At ikaw naman, OO ngat gusto ko sabihin sa kanya kahapon.. pero kung meron dapat magsasabi sa kanya Hindi ikaw kundi ako!!! AKO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! dahil ngayon sana e wala na kong balak pang sabihin sa kanya!! wala na!!!!!!!!!!!!!!! pero ano sinabi mo na! letche! bakit big deal ba sa kanya un? at bakit big deal ba sa lahat un! puro kayo bigay ng bigay ng opinyon nyo nararamdaman nyo pero ni isa walang nagtanong ng nararamdaman ko!! pashneya kayooooooooooooooooooooooooooooooo! galit ako ngayon!!! galit ako sa inyo!!
lagi nyo nalng ako pinapahirapan! kailangan ko ng suporta hind ung magpapahirap lng ng loob ko at magpapalito ng isip ko!!!!!!!! galit akoooooooooooooooooooooooooooooooooo!!!